Kinagiliwan ang Facebook post ni Keith De Guzman kung saan siya na ang naging driver at ang driver na ang tila naging pasahero nito noong araw ng Sabado, Hunyo 24, 2023.

Makikita ang selfie  ng pasahero at ng motorcycle driver ng isang ride-hailing service na kilala rito sa bansa.

“Ang stress level mo today ay: inangkas yung joyride para mas mabilis andar.” mababasang caption sa Facebook post ni Keith.

Samot-saring komento naman ang natanggap ni Keith mula sa netizens sa kaniyang viral post online.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Baka mawalan ng trabaho si boss

“ikaw dapat bayaran nya”

“Discounted kasi ikaw nag drive. Eyyy”

“hahaha mahuli ka dyan bes bawal yan wahahaha”

“Sino nagbayad sa inyong dalawa paps? HAHAHAH”

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Keith, mahuhuli na siya sa pupuntahan niya noong araw na iyon at sa malayong daan pa ang ipinakita sa navigation ng app. 

“Bali ang nangyari po do’n ay malalate na po ako sa pupuntahan ko tapos yung navigation app pinapadaan kami sa mas malayo” aniya.

“E nakuwento rin naman ni kuya na pagod na siya dahil pang-ilang pasahero na niya ako kaya inalok ko siya na ako na magmamaneho para di maligaw,”  dagdag pa nito.

Dagdag pang tanong ng Balita kay Keith kung nagbayad pa rin ba ito kahit siya na ang nag-drive.

“Nagbayad pa rin walang labis walang kulang. Parañaque hanggang Cubao haha,” isinagot ni Keith.

Sa huli, umabot naman umano si Keith sa kaniyang pupuntahan dahil pumayag ang driver na magpalit sila. Salamat din daw kay kuya dahil hindi siya na-late.

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 10K reacts, 151 comments at mayroon namang bilang na 582 shares ang inabot ng kaniyang Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!