Sa paggunita ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking nitong Lunes, Hunyo 26, nanawagan si Senadora Risa Hontiveros ng hustisya para sa mga biktima ng ‘war on drugs’ sa bansa.

Sa isang pahayag nitong Martes, Hunyo 27, nakiisa rin si Hontiveros sa international community sa panawagang itigil na ang giyera kontra droga ng pamahalaan.

“Kaisa rin ako ng mga biktima ng war on drugs sa paghahanap ng hustisya, pagsasagawa ng mga polisiyang evidence-based at gender inclusive,” saad ng senadora.

Sa huli umanong pagsisiyasat, nasa 2.05% ang “prevalence” ng drug use sa bansa, kung saan katumbas ito ng 1.7 milyong mga Pilipino.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

“Kailangan nila ang ating pagtugon,” ani Hontiveros. “Our experience from the previous administration proves that the law enforcement-heavy ‘war on drugs’ is ineffective. It only creates opportunities for human rights abuses and violations, and further aggravates the situation of the marginalized communities living in poverty.

“As we know, drug-related killings in the Philippines have not stopped. Some high-ranking state operatives are also allegedly linked to the drug trade,” saad pa niya.

Sa gitna umano ng panawagan ng hustisya para sa mga biktima ng war on drugs, inaasahan din ng senadora na makikipagtulungan ang kasalukuyang administrasyon na “bigyang hustisya ang mga biktima ng war on drugs, repasuhin ang mga kasalukuyang polisiya tungo sa mas komprehensibo, inklusibo, makatao at makatarungang drugs response, at pagsusulong ng isang community-based drugs prevention and voluntary treatment and rehabilitation.”

“Umaasa din tayo na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon na mas bibigyang-diin nito ang pagtugon sa mga serbisyong pangkalusugan at panlipunan (health and social services) ng mga nangangailangan, tulad ng mga persons who use drugs (PWUDs) at maging nga mga vulnerable sa paggamit na ipinagbabawal na gamot,” ani Hontiveros.

“As we move forward, I hope to work with my colleagues in reviewing and enacting new drug policies anchored on harm reduction principles and the human rights of all,” dagdag niya.