Pormal nang sinimulan ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, Hunyo 27, 2023, ang kanilang bike lane project sa San Fernando, Pampanga.

Mismong si DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure na si James Andres Melad ang nanguna sa ground breaking ceremony sa proyekto.

Ayon kay Melad, bago tuluyang matapos ang taong ito ay target nilang makapagtayo ng kabuuang 470 kilometrong protected bike lanes at pedestrian infrastructure sa buong bansa, partikular na sa sa National Capital Region (NCR), gayundin sa Regions 1, 3, 4A, 5, 6, 7, 8 at 11.

Nabatid na sa San Fernando, ang itatayong aktibong transport infrastructure ay aabot ng 37.5 kilometro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inaasahan naman ng DOTr na aabot sa 332,000 residente at aktibong transport users ang makikinabang dito.