Matapos ipamalitang naghain na siya ng counter affidavit laban sa deportation case na inihain naman laban sa kaniya ng ex-partner na si Marietta Subong o "Pokwang," nagbigay naman ng apela ang American actor na si Lee O'Brian para sa Bureau of Immigration (BI) na sana ay maging patas ang desisyon para sa kaso.

Ipinakita ni O'Brian ang dokumento sa harapan ng camera at tinawag pa sa tunay na pangalan si Pokwang.

"There we go. Just filed a counter affidavit to the complaint filed by Marietta Subong (Pokwang). You know what I'd like to say is first of all, above everything, I always have respect for the mother of my child."

MAKI-BALITA: Lee O’Brian pumalag, lalabanan deportation case ni Pokwang

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

“Given the fact that the complainant is very well-known, widely known throughout this county and very, very influential I am basically asking and pleading with the Philippine government and the Bureau of Immigration to look at my case, my deportation case fairly and with justice, according to the merits of the case and whatever I filed here I would plead with them to look at it justly,” ani O'Brian.

Nilinaw naman ni O"Brian na kahit may legal battle sila ni Pokwang ngayon, kapakanan pa rin ng anak nila ni Malia ang iniisip niya. Isa pa, may respeto pa rin daw siya sa ina ng kaniyang anak.

"...because this is kind of a quasi-judicial issue for the Bureau of Immigration, I can't comment on details... but I want to say something, that from the beginning, throughout until today and beyond from here on out, I always put the best interest of my daughter first. I love my daughter more than anything..." aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pasaring si Pokwang tungkol dito, bagama't may ibinahagi siya sa kaniyang Instagram story tungkol sa kaniyang paninindigan sa deportation case, sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel na si Atty. Ralph Calinisan.

Screengrab mula sa IG ni Pokwang