
(đž Ali Vicoy/Manila Bulletin))
Presyo ng bigas, tumataas kada buwan
Tumataas kada buwan ang presyo ng bigas sa bansa, ayon sa rice watch group na Bantay Bigas.
Sa pahayag ng grupo, nagsimula ang taas-presyo nitong Abril at tuloy-tuloy na ito hanggang ngayong buwan.
Tinukoy ng grupo ang presyo ng tingi-tingi o kilo-kilong bigas na ang pinakamura ay nasa â±40 kada kilo mula sa dating â±38.Â
Nangangamba rin ang grupo na hindi na mapipigilan ang pagtaas ng presyo nito dahil matatapos na ang programa ng Department of Agriculture (DA) na nag-aalok ng â±25 per kilo ng bigas.