Ibinahagi ng batikan at premyadong aktres na si Sylvia Sanchez ang isang video kung saan makikitang papunta na ang kanilang pamilya sa "Casa Mendoza" o bahay ng pamilya ni Maine Mendoza, ang fiancée ng kaniyang anak na si actor-politician Arjo Atayde, para sa kanilang pamamanhikan.

"The Very Important destination ❤️ @mainedcm @arjoatayde," caption ni Ibyang sa kaniyang Instagram post, Hunyo 25.

Kaya masasabing "pamamanhikan" ang ganap ay dahil sa hashtags na #casamendoza, #pamamanhikan, #AtaydeMendoza, #family, #happiness, at #thankuLORD.

Maririnig naman sa video na ang mga kotseng makikitang naka-park sa labas ng Casa Mendoza ay pawang pagmamay-ari ng mga Atayde, o mga kaanak nila.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Masaya naman silang sinalubong ni Menggay nang dumating na sila.

Ang pamamanhikan ay isang tradisyon bago ang kasal, kung saan pormal na nagpapaalam ang pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae, upang "hingin ang kamay" nito o basbas na sila ay maikasal at bumuo ng pamilya. Nagsisilbing bonding moments na rin ito ng dalawang pamilya ng ikakasal.

Wala pang detalye kung kailan at saan nga ba ikakasal ang dalawa kaya nakaabang na rin ang lahat sa big day.