Umabot pa sa 102 beses na pagyanig ang naitala sa Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sumabay sa sunud-sunod na pagyanig ang 263 rockfall events at 8 dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events.

Naitala ang nasabing volcanic activity mula Linggo ng madaling araw hanggang nitong Hunyo 26 ng madaling araw.

Napanatili rin ng bulkan ang pagbuga ng lava na umabot sa 1.3 kilometro kung saan naapektuhan nito ang Mi-isi Gully.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa bahagi naman ng Bonga Gully, tinabunan ito ng rumagasang lava na umabot sa 1.2 kilometro.

Bumuga rin ng 925 tonelada ng sulfur dioxide ang Mayon Volcano nitong Hunyo 25 na sinundan ng usok na umabot sa 100 metrong taas at ito ay tinangay ng hangin pa-kanluran.

Nitong Hunyo 25, naitala ng Phivolcs ang 24 volcanic earthquakes kasabay ng 257 rockfall events ng Mayon.

Babala pa rin ng ahensya, maging alerto pa rin sa nakaambang pagsabog ng bulkan anumang oras.

Nananatili pa rin sa level 3 ang alert status ng bulkan.