Number coding scheme, suspendido sa Hunyo 28
Kinansela ang implementasyon ng expanded number coding scheme sa Miyerkules, Hunyo 28, para sa pagdiriwang ng Eid al-Adha o Feast of Sacrifice.
Dahil dito, binanggit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi huhulihin ang mga sasakyang mayroong "5" at "6" sa last digit ng kanilang plaka sa nasabing araw.
Ang naturang hakbang ng MMDA ay bahagi ng pakikiisa nito sa pagdiriwang.
Ibabalik sa Huwebes, Hunyo 29, ang implementasyon ng nasabing Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP).