“Kind of scary that I could have been on it.”
Isiniwalat ng YouTube star na si MrBeast nitong Linggo, Hunyo 25, na inimbitahan siyang sumali sa isang submersible trip patungo sa pinaglubugan ng Titanic nitong buwan, ngunit tumanggi siya.
“I was invited earlier this month to ride the titanic submarine, I said no. Kind of scary that I could have been on it,” ani MrBeast, na may tunay na pangalang Jimmy Donaldson, sa isang Twitter post.
Ibinahagi rin ni MrBeast ang isang screenshot ng imbitasyon umano sa kaniya sa isang submersible patungo sa wreckage ng Titanic.
“Also, I’m going to the Titanic in a submarine late this month. The team would be stoked to have you along,” nakasaad sa mensahe umano kay MrBeast ng isang indibidwal na hindi pinangalanan.
Inihayag ng YouTube star ang naturang tweet ilang araw matapos ang naiulat na nangyaring “catastrophic implosion” sa Titan submersible na nagtungo sa Titanic, kung saan lahat ng limang sakay umano ang nasawi.
MAKI-BALITA: Matapos ang ‘catastrophic implosion’: 5 sakay ng nawawalang submarine, nasawi!
Si MrBeast ay may kabuuang 163 milyong subscribers sa YouTube. Kilala siya sa kaniyang viral contents tulad ng kaniyang naging pagtulong sa isang libong indibidwal na makita muli nang malinaw ang mundo sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang operasyon sa katarata.
MAKI-BALITA: YouTube star MrBeast, tinulungang makakita muli nang malinaw ang nasa 1,000 na may katarata