Nakagawa ng kasaysayan kamakailan ang ginanap na Pride PH Festival na #LoveLabansaQC matapos ibahagi sa kanilang Facebook page na umabot sa 110,000 katao ang dumalo sa nasabing event na siyang tinaguriang ‘The Biggest Pride Event in Southeast Asia’ nitong Sabado, Hunyo 24, 2023, ayon sa kanilang crowd estimate. 

Dinumog ang event hindi lang ng mga taong dumalo rito, kundi maging ng guest perfomers. 

Simula sa mga kilalang social media influencers, comedians, singer, artist, drag queens, beauty queens at marami pang iba ang present sa nasabing event.

Matatandang isa sa mga inabangang guest performer sa Pride PH Festival ay ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na nag-perform bilang ‘Drag queen’.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

MAKI-BALITA: Andrea, nakiisa sa Pride PH Festival bilang ‘Drag Queen’ sa #LoveLabansaQC

“We made HISTORY The biggest Pride event in Southeast Asia happened yesterday. BESTIES! 110,000 STRONG TAYO KAHAPON! USTOMOYORN?! Sa lahat ng organizers, sponsors, partners, guests, hosts, performers, volunteers, at sa INYONG LAHAT na nakibahagi sa laban ng bahaghari at nakipag-#LoveLabanSaQC, maraming salamat po!"

"#PridePHFestival2023 was a successful and historical event because of each and everyone of you Mula sa komunidad, para sa kumunidad. Kita-kits ulit tayo next year! ” mababasang caption sa Facebook post kagabi ng Linggo, Hunyo 25.

Dumagsa naman sa comment section ang mga experiences na ibinahagi ng netizens sa nasabing event.

“Ang saya lang dahil nakapag celebrate ako this year ng PRIDE MARCH with my family and friends yung down side lang neto is hindi ako naka pag grindr dahil kasama ko sila HAHAHAHAHAHAHA”

“ANOTHER PAGE OF MY LIFE THAT'S FILLED WITH MEMORIES THAT I WOULD NEVER FORGET! HAPPY PRIDE EVERYONE!!”

“Sarap sa pakiramdam na sama-sama tayong lahat at nagkkaisa mabuhay tayong lahat #lgbtqiaplus #staysafeeveryone kahit sobrang pagod pero worth it naman

“1St time ko mag attend grabeng saya

“saya kahapon kahit nakakapagod, v worth it. happy prideee!

“Happy to be part of this!

Makikita ring nakiisa si Senadora Risa Hontiveros sa nasabing event bilang pagdiriwang ng Pride Month.

MAKI-BALITA: ‘Happy pride!’ Hontiveros, nakiisa sa Pride PH Festival