Halos wala umanong ginastos at inilabas na pondo ang Manila City Government sa isinagawang isang buwan selebrasyon para sa ika-452nd ‘Araw ng Maynila’ noong Sabado, Hunyo 24.

Sa mensahe ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes, sa regular na flag raising ceremony sa City Hall, pinasalamatan niya ang mga katuwang ng lungsod mula sa pribadong sektor, Manila City Council, sa pangunguna ni Vice Mayor Yul Servo, anim na mambabatas ng Maynila, iba't-ibang departmento, kagawaran, at tanggapan at mga paaralan lalo na ang mga lumahok sa Manila Film Festival.

“Para lang po sa kaalaman ninyo, napakarami po nilang inisponsoran na mga events kaya nga po kahit na napakarami nun, hindi po tayo halos gumamit ng pondo ng ating pamahalaan,” ayon kay Lacuna.

“Nagsimula po yan sa The Manila Film Festival, Rampa Manila, socio-civic parade, Miss Manila ‘lahat po yan walang ginastos ang ating pamahalaang-lungsod,” dagdag ni Lacuna.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kasabay nito, pinuri din ng alkalde ang may 576 city officials at employado na tumanggap ng loyalty service awards.

Gayundin, nag-'Special shout out' si Lacuna sa  Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni PBGen. Andre Dizon, Manila Disaster Risk Reduction Management Office sa ilalim nj Arnel Angeles at the Bureau of Fire Protection Manila sa pangunguna ni Supt. Christine Cula, Manila Traffic and Parking Bureau sa ilalim ni chief Zenaida Viaje, dahil sa pagtulong upang mapanatili ang  kaayusan at kapayapaan sa pagdaraos ng mga gawain.

Nag-thank you rin ang alkalde sa Department of Tourism Culture and the Arts Manila sa pamumuno ni Charlie Dungo na ayon sa kanya ay napakaganda ng trinabaho sa pag-o-organisa ng mga gawaing nakalinya para sa okasyon.