Ipinakilala na ang mga bagong ‘Gandang Pinay’ na wagi sa ginanap na 2nd edition ng Miss Aura Philippines 2023 nitong Sabado, Hunyo 24 na idinaos sa Eastwood Richmonde Hotel sa Quezon City.

Matapos ang Miss Aura Philippines 2023, apat na binibini ang bagong nakoronahan at siyang lalaban bilang kinatawan ng bansa sa kani-kanilang pageant international. Makikita ito sa Facebook page na "The Philippine Pageantry."

Una na rito ay ang nakasungkit ng korona sa ‘Miss Aura Philippines 2023’ na si Khryss Go mula sa probinsya ng Bulacan kung saan nakatakdang lumaban sa Setyembre 17, 2023 na idaraos sa Antalya, Turkey.

‘Ragazza Moda Philippines 2023’ ang nakuhang titulo ni Maiko Ibarde mula sa Baguio City kung saan sa bansang Italy naman ang kaniyang laban.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sasabak naman si Samantha Gabronino ng San Jose Delmonte, Bulacan bilang hiranging ‘Miss Freedom of the World PH 2023’ na lalaban sa Mayo 14, 2023 na gaganapin sa Kosovo, Albania.

Para sa huling korona, nakuha ni Alexandra Cabial mula sa Bacoor City, Cavite ang ‘Miss Star International Philippines 2023’ na gaganapin naman sa bansang Indonesia.

Hindi pa naman kumpirdo ang tiyak na petsa o taon para sa gaganaping ‘Ragazza Moda 2023’ at ‘Miss Star International 2023’

Nagbigay-komento ang ilan sa netizens ng kanilang pagbati sa comment section.

“Goodluck PHILIPPINES' BEAUTIES! ANGAT KA PINOY

Congratulations”

Wow! Buti naman may iba pang titles na kasama…”

Congratulations, Ms. Baguio City!

Ganda ng runner up”

Nakuha naman nina Mariel Baltazar ng Quezon City ang First Runner-up at si Patricia Ann Tan ng Masbate para sa Second Runner-up.