Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating Department of National Defense (DND) officer-in-charge, undersecretary Carlito Galvez, Jr. bilang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.

Ito ang isinapubliko ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Lunes, Hunyo 26.

Dati nang hinawakan ni Galvez ang nasabing puwesto sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong Enero 9, itinalaga rin si Galvez bilang OIC ng DND kasunod ng pagbibitiw ni retired Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Jose Faustino, Jr.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Noong 2018, umupo rin si Galvez bilang ika-50 na hepe ng AFP.