Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng hatinggabi, Hunyo 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:00 ng hatinggabi.

Namataan ang epicenter nito 184 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 108 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

Mga pamilyang nabiktima ng ‘common crimes’ nitong Q3, pinakamataas mula Sept. 2023

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.