Ihihirit ng Department of Health (DOH) sa pamahalaan na tanggalin na ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) state of public health emergency sa bansa.

“Actually, wala nang emergency eh, 'di ba?. I think I would actually ask the lifting of the public health emergency in the country,” ani DOH Secretary Ted Herbosa sa isang panayam.

Hindi na aniya nagdudulot ng emergency ang Covid-19 at maaari na lamang gamutin katulad ng ibang sakit, tulad ng influenza, ubo at trangkaso na binabantayan ng DOH.

Matatandaang nagdeklara si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency sa kasagsagan ng pandemya nitong Marso 2020.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa Proclamation 922, mananatili pa rin ang state of public health emergency hangga't hindi pa binabawi o inaalis ng punong ehekutibo.