Kinaaliwan ng mga netizen ang litrato ng isang Nursery pupil na humikab habang makikitang maraming nakasabit na medalya at ribbons sa kaniyang dress, na mga natanggap niyang parangal mula sa Recognition Day ng kanilang paaralan.

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita, napagkatuwaan ng ama ng bata na si Reynaldo Aniban, Jr. na lagyan ito ng caption na “Basic” dahil parang “sisiw” lang daw sa anak ang pagkakaron ng mga parangal sa paaralan, na makikita sa kaniyang Facebook post.

Ngunit ayon naman sa ina ng bata na si Arrianne Mae Aniban, maaga kasing nagising ang anak kaya antok pa ito. Nagkataong napitikan nila ito ng larawan habang humihikab.

Proud parents sina Reynaldo at Arrianne dahil ang mga parangal na natanggap ng kanilang anak na si "Audrey" ay Outstanding Pupil, Courteous Kid Award, Little Observer Award, Best in CLE, Collaborative Kid Award, Best in Art, Best in Writing, at Sunshine Award. Ibinahagi naman ito ni Arrianne sa kaniyang Facebook post; sa pagkakataong ito, nakatingin at nakangiti na ang anak sa camera.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagpasalamat din ang ina sa mga naging guro ng anak na sina T. Joyce at T. Tina mula sa Mercedarian School sa Lagro, Quezon City.

"Of course, we would also like to thank her teachers, T. Joyce Salin and T. Tina for their guidance and patience. We are so proud of you. Congratulations, baby girl!" aniya.

Ibinahagi rin ni Arrianne kung ano ang kaniyang parenting style nila ng mister pagdating kay Audrey.

"Actually hindi naman talaga siya fino-force na mag-aral at magka-awards pero marunong siyang makinig at masipag."

"Mahilig din talaga siyang mag-explore. Mahilig siya sa art, singing and drawing. Balanse din 'yan kasi may laro, may zumba, may swimming at pasyal pa 'yan kahit nag-aaral. Haha!"

Sa assignments at lessons ko siya natututukan. Marami rin siyang special awards dahil magiliw talaga siya sa lahat," dagdag pa ng ina ng bata.

Congrats, Audrey! More "hikab" pa sa mga susunod na school year!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!