Isang baka mula sa United States of America (USA) ang pinarangalan ng Guinness World Records (GWR) matapos umano itong tagumpay na nakapag-perform ng sampung tricks sa loob lamang ng isang minuto.

Ayon sa GWR, si “Ghost”, ang apat na taong gulang na Charolais cow mula Nebraska, USA, ang kauna-unahang naparangalan nilang baka. 

“Dogs, cats, rabbits, parrots, and even guinea pigs are all part of the Guinness World Records family. However, for the first time ever, a cow has joined their ranks,” anang GWR.

Nakuha umano ni Ghost ang bagong world record para sa titulong “most tricks performed by a cow in one minute.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Para makuha ang record, ipinamalas ni Ghost ang mga sumusunod na tricks sa loob lamang ng isang minuto: 

  1. Stay in place
  2. Come when called
  3. Self-roping
  4. Spin
  5. Bow
  6. Stand on a pedestal
  7. Fist bump/leg lift
  8. Bell touch
  9. Kiss
  10. Head nod

Ayon sa cow owner na si Megan Reimann, kayang mag-perform ni Ghost ng “large and ever-growing number of tricks”, kabilang na lamang ang kakayahang makilala ang iba't ibang kulay.

“I knew Ghost was special from the moment I first saw her,” ani Reimann sa GWR. “I decided then that she was going to do something special.”

Nagtuturo umano si Reimann ng trick-training courses para sa mga kabayo. Kaya naman, isang araw, nagpasya raw siyang i-apply ang kaniyang methods kay Ghost.

‘Spin’ ang unang trick na natutunan ng kaniyang paboritong baka, hanggang sa pinagpatuloy raw niya ang pag-ensayo rito hanggang sa tuluyang nakamit nga nito ang pambihirang world record.

“Whilst Ghost may not be too bothered about becoming a Guinness World Records title holder, Megan is ecstatic, and rightfully so,” saad ng GWR.

“Congratulations, Megan and Ghost, you are Officially A-moo-zing!”