Pinaghahanap pa rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na tripulante ng isang fishing boat na lumubog sa karagatang bahagi ng Davao Oriental nitong Hunyo 22.

Sa pahayag ng PCG District Southeastern Mindanao, dakong 3:30 ng madaling araw nang simulan muli ang search and rescue operations sa karagatang sakop ng Baganga sa pag-asang matagpuan ang bangkay ng anim na tripulante ng FB Genesis 2.

Nitong Linggo, dumating na sa Barangay Calumpang, General Santos City ang 14 na nakaligtas na tripulante sakay ng FB Ryan Romualdo.

Kasama nila ang tatlong bangkay ng kanilang kasamahan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ng PCG na nakipag-ugnayan na ang Ogdi fishing company sa pamilya ng mga nasawi nilang tauhan.

Matatandaang nangingisda ang 23 na tripulante sakay ng nasabing fishing boat sa Baganga nitong Huwebes ng madaling araw nang biglang lumakas ang alon na nagpalubog sa kanilang bangka.