Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • July 14, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    ₱10M 'ghost' project: Reclusion perpetua, hatol sa ex-water district exec sa Lanao del Sur

    ₱10M 'ghost' project: Reclusion perpetua, hatol sa ex-water district exec sa Lanao del Sur

    By
    Balita Online
    June 26, 2023
    In
    BALITA National
    ₱10M 'ghost' project: Reclusion perpetua, hatol sa ex-water district exec sa Lanao del Sur
    (Manila Bulletin File Photo)

    ₱10M 'ghost' project: Reclusion perpetua, hatol sa ex-water district exec sa Lanao del Sur

    By Balita Online
    June 26, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Pinatawan ng Sandiganbayan ng reclusion perpetua ang isang dating opisyal ng Tugaya water district sa Lanao del Sur dahil sa paglustay ng pondo ng bayan na aabot sa ₱10 milyon noong 2011.

    Napatunayan ng anti-graft court na nagkasala si Jamaloden Faisal, dating general manager ng nasabing water district, sa kasong malversation.

    Bukod dito, pinatawan din si Faisal ng 10 taon na pagkakakulong sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019).

    Sa rekord ng kaso, aabot sa ₱25 milyon ang budget ng gobyerno para sana sa  pagpapagawa ng 10 reservoir sa Mt. Gurain sa Balindong, Lanao del Sur.

    Gayunman, inilabas ni Faisal ang mahigit sa ₱10 milyon na natuklasang nilustay nito.

    Nabisto rin si Faisal na ginamit nito ang contractor na Nascon Builders upang palabasin na ipinatupad ang proyekto.

    Ayon sa Nascon, walang kinalaman ang kanilang kumpanya sa sinasabing proyekto ni Faisal.

    Pinatunayan naman ng National Bureau of Investigation na wala silang nakitang reservoir na sinasabing proyekto ni Faisal sa nasabing lugar.

    "A Joint Affidavit of Inspection was submitted by the team of investigators from the National Bureau of Investigation stating that the reservoirs funded by LWUA (Local Water Utilities Administration) are inexistent, based on the Development Map and Detailed Cost Estimate of the Project,” ayon naman sa resolusyon ng Office of the Ombudsman noong 2017.

    Philippine News Agency

    Inirerekomendang balita

    Sen. Mark Villar naghain ng resolusyon para parangalan si Alex Eala

    Sen. Mark Villar naghain ng resolusyon para parangalan si Alex Eala

    Naghain si Sen. Mark Villar ng Senate Resolution No. 507 upang bigyang-pugay at kilalanin ang Filipina tennis sensation na si Alexandra “Alex” Eala dahil sa kanyang natatanging tagumpay at mahalagang ambag sa larangan ng palakasan sa bansa. Sa naturang resolusyon, pinuri ni Villar ang makasaysayang pagtakbo ni Eala sa 2026 Wimbledon Championships, kung saan siya ang naging kauna-unahang...

    Lalaking 'di masaway sa maingay na tambutso, hinataw ng kawayan sa ulo!

    Lalaking 'di masaway sa maingay na tambutso, hinataw ng kawayan sa ulo!

    Sa ospital ang diretso ng isang 25 taong gulang na lalaki matapos siyang hatawin ng kawayan sa ulo ng isang kagawad sa kanilang lugar sa Ilocos Sur.  Ayon sa pulisya, sinaway ng 55 taong gulang na kagawad ang biktima dahil sa maingay na tambutso ng kaniyang motorsiklo subalit sa halip na tumigil ay lalo lamang umanong pinatunog ng biktima ang kaniyang motorsiklo. Dahil sa ingay, hindi na raw...

    'Sa sobrang taas ng pinag-aralan n'yo, lumubog na tayo sa kahirapan!'—Sen. Robin

    'Sa sobrang taas ng pinag-aralan n'yo, lumubog na tayo sa kahirapan!'—Sen. Robin

    Usap-usapan ang naging tirada ni Sen. Robin Padilla sa mga patuloy na kumukuwestyon sa kaniyang credentials.  Matatandaang naging usap-usapan ang senador matapos ang paghingi niya sa credentials sa iprinisintang witness ng prosecution na si National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Investigation Unit Senior Agent John Mark Calilung, matapos ang pagsalang sa day 2 at day 3, sa paglilitis...

    Features

    FEATURES

    1

    Pagpupurga, delikado nga ba?

    July 13, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Saan ‘nagtatago’ at matatagpuan ang pinakamahal na bato sa mundo?

    July 13, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Mga terminong madalas marinig sa impeachment trial

    July 13, 2026

    FEATURES

    4

    KILALANIN: Si Dr. Jose Pujalte, Jr., ang bagong DOH secretary

    July 13, 2026

    FEATURES

    5

    Ekis ka! Mga puwedeng mangyari sa taong ‘cancelled’

    July 12, 2026

    FEATURES

    6

    #BALITAnaw: Bakit nanalo ang Pilipinas sa 2016 Arbitral Ruling sa WPS kontra China?

    July 12, 2026

    FEATURES

    7

    'CPR Playlist,’ ibinaba ng PRC upang makatulong sa pansagip-buhay!

    July 12, 2026

    FEATURES

    8

    BINGE LIST: K-Dramas na legal-themed, bakbakan sa korte ang plot

    July 12, 2026

    Opinyon

    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’ Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita