Nakaamba na namang ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 27.

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., magdadagdag ito ng ₱1.05 sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel at ₱0.20 naman sa gasolina.

Tataas naman ng ₱1.20 kada litro ang presyo ng kerosene ng nabanggit na kumpanya.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Posible ring mag-anunsyo ng kahalintulad na hakbang ang iba pang kumpanya ng langis.

Nitong nakaraang linggo, nagdagdag ng ₱1.20 sa presyo ng gasolina, ₱1.40 sa diesel at ₱0.30 naman sa kerosene.