Daan-daang indibidwal sa Singapore ang nagsuot ng pink at dumalo sa unang "Pink Dot" LGBTQ+ rally na idinaos mula nang i-decriminalize ng bansa ang gay sex noong nakaraang taon.

Sa ulat ng Agence France Presse, nangyari ang naturang LGBTQ+ rally nitong Sabado, Hunyo 24, sa isang parke na siyang nag-iisang lugar umano sa Singapore kung saan pinapayagan ang pag-rally kahit walang police permit.

Pinawalang-bisa umano ng parlyamento ng Singapore noong nakaraang taon ang isang British colonial-era law na nagpaparusa sa pakikipagtalik sa pagitan ng mga lalaki nang hanggang dalawang taon sa bilangguan, bagaman ang batas ay hindi aktibong ipinatutupad.

Ayon sa spokesperson ng Pink Dot na si Clement Tan sa panayam ng AFP, itong kaginhawaan ang magdaon muli ng naturang rally lalo na’t wala na umano ang naturang batas na nagde-decriminalize sa gaysex.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

"A Singapore for All Families" umano ang tema ng rally nitong Sabado, kung saan nakasaad dito ang paghahangad na tutulan ang sinasabi ng mga konserbatibong grupo na nangangamba na makasisira ang pag-decriminalize ng gay sex sa "family values.”

"It shouldn't really matter what families look like in Singapore. Most certainly not what the government defines as worthy of recognition. We believe that everyone should stand in the sun," ani Tan.

Nagsimula umano ang "Pink Dot" gay rights rally ng Singapore noong 2009.