Nagsalita na ang bandang "Silent Sanctuary" matapos silang alisin sa listahan ng performers sa naganap na "Love Laban sa QC" ng Pride PH at lokal na pamahalaan ng Quezon City, gabi ng Sabado, Hunyo 24, 2023 sa QC Memorial Circle na dinaluhan ng LGBTQIA+ community members at allies.
Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag ang Pride PH sa dahilan ng pag-alis nila sa nabanggit na banda, sa roster of performers nila.
Ang dahilan ay "homophobic actions" daw ng banda.
MAKI-BALITA: Silent Sanctuary ‘sinipa’ bilang performer sa Pride Month event sa QC
Sa isang opisyal na pahayag ay naglabas na rin ng kanilang tugon ang banda. Paliwanag nila, matagal na sila sa industriya at sanay silang makisalamuha sa LGBTQIA+ community, at paminsan pa nga ay kasama pa nila sa stage, backstage, at dressing room. Nirerespeto umano nila ang lahat ng gender preferences at identities, kaya nalulungkot sila sa mga ibinatong alegasyon laban sa kanila.
"We were really looking forward to being part of your celebration but judgment has been passed without giving us equal opportunity to defend ourselves."
"One man's angle does not paint the whole story of the bigger picture. Regardless, we still wish everyone a successful #PrideMarch2023," anila sa kanilang opisyal na Facebook page.
Samantala, hindi naman tinukoy kung ano talaga ang pinagmulan ng "homophobic actions" na ibinato ng Pride PH laban sa banda.