Relief goods na donasyon ng UAE, ipadadala na sa Albay

(📸 Ali Vicoy/Manila Bulletin))
Relief goods na donasyon ng UAE, ipadadala na sa Albay
Hinihintay na sa Albay ang huling batch ng tone-toneladang assorted food items mula sa United Arab Emirates (UAE) upang ipamahagi sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
Binanggit ni Albay Governor Edcel Lagman, nakipag-ugnayan na sa kanya si Naval Forces Southern Luzon commander, Commodore Joe Anthony Orbe kung saan tiniyak na gagamitin ang kanilang barko sa pagpapadala ng relief good sa lalawigan.
Ang nasabing tone-toneladang food items ay mula sa Royal Highness, King Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum at United Arab Emirates President Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahyan.
"Hindi na muna natin binigyan 'yung ibang local government unit kasi hihintayin natin na dumating lahat para sabay-sabay at pare-parehong mabigyan ang mga apektadong pamilya," anang gobernador.