“Thank you for stepping up and making a difference!! ❤️🫰.”

Ito ang mensahe ni Kapuso actress Gabbi Garcia sa kaniyang daddy na si Vince Pena Lopez na siyang nakasama raw niyang lumahok sa Pride Ride sa Quezon City nitong Linggo, Hunyo 25, bilang pagsuporta sa LGBTQ+ community.

“Joined the Pride Ride today!! We are proud allies! 🏳️‍🌈🥹🫶🏽 @vincepenalopez,” ani Gabbi sa kaniyang Instagram post kalakip ang ilang mga larawan nila habang may hawak na pride flag.

Sa naturang post ay ikinuwento rin ni Gabbi ang naging conversation nila ng kaniyang ama kahapon kung saan bigla raw siyang tinanong nito kung mayroon ba siyang pride flag.

National

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA

“*Yesterday*

Dad: Gab, may pride flag ka ba?

Me: for what?

Dad: May “Pride Ride” tomorrow. Do you want to join, angkas kita? Let’s show some support,” kuwento ng aktres.

“Anddd here we are!!! I love you Dad!! Thank you for stepping up and making a difference!! ❤️🫰🏽,” proud na mensahe ni Gabby sa kaniyang ama.

Nagbigay naman ng komento ang Kapuso actress na si Klea Pineda sa naturang post ni Gabbi.

“Long ride soon with Tito @vincepenalopez okay???🤪 wahaha!” komento ni Klea na dumalo rin sa naturang Pride Ride kasama ang kaniyang girlfriend na si Katrice Kierulf.

MAKI-BALITA: ‘Love wins’: Katrice Kierulf, proud na tawaging girlfriend si Klea Pineda