Ibinahagi ni Chinese Ambassador to Manila Huang Xilian nitong Linggo, Hunyo 25, na mayroong 75,000 mga turistang Chinese na bumisita sa Pilipinas sa unang limang buwan ng 2023.
“Southeast Asia has been the Chinese people's top tourist destination since reopening, and have delivered many immediate benefits in the industry and people-to-people exchanges,” ani Xilian sa isang Facebook post.
Sa unang bahagi ng taong ito, nagkasundo umano sina Chinese President Xi Jinping at Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. na palalimin ang “people-to-people exchanges” sa pagitan ng dalawang bansa sa lahat ng aspeto.
Target naman umano ng Department of Tourism (DOT) ang dalawang milyong Chinese tourist arrivals sa Pilipinas kapag na-isyu na ang electronic visa sa katapusan ng taong ito.
“It is hoped that China-Philippine people-to-people exchanges achieve the goals set by the leaders at an early date and even reach greater heights,” ani Xilian.
“Our countries have been working together in the tourism industry, among many other sectors, and I hope it strengthens our relations and lead to greater mutual benefits in the future!” dagdag niya.