Bigong makapasok sa final 3 ang panlaban ng Pilipinas na si Lars Pacheco na sa ginanap na 17th Miss International Queen 2023 kahapon, Hunyo 24, 2023 sa Tiffany's Show Pattaya Chonburi, Thailand.

Sa kabila ng naging placement ni Lars sa nasabing pageant bilang bahagi ng Top 6, hindi pa rin matatawaran ang mga naging paghahanda nito gaya na lamang sa pagpili ng kaniyang kasuotan.

MAKI-BALITA: Lars Pacheco ibinida outfitan sa TV guesting para sa Miss Int’l Queen 2023 sa Thailand

Dahil naman sa confident na pagsayaw at rampang ipinakita ng kandidata sa production number, hindi nakapagtatakang pangalawa siyang natawag sa Top 11.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Lumabas naman si Lars sa kaniyang pamosong royal blue na evening gown, na kung saan kapansin-pansin ang paandar nitong feathers na siyang naghatid sa kaniya para huling tawagin sa 6 finalists.

“I think the problem the youth is facing today is pressure. I believe that in life, even not youth, we have pressure... we have challenges that we have to face. But I think the most message that I could give to everyone is whatever problem and challenges you have – you have just to keep going; you should never let any circumstances stop you from reaching and achieving your dreams and your goals in life, because I believe at the end of the day no matter how hard the pressure is, life goes on.” ang naging kasagutan ni Lars sa katanungang, “What are the challenges that the new generation is facing today, and what will you say to them to solve the problem?” para sa pinakaaabangang Q&A portion. 

Ikinagulat naman ng Pinoy pageant fans ang hindi nito pagpasok sa final 3.

Sa huli, mukhang hindi naman apektado si Lars sa naging resulta ng kaniyang placement dahil kita sa mukha nito ang galak niyang nararamdaman habang pinapalakpakan ang mga kandidatang nanalo sa nasabing pageant.

“Ang sarap mong ilaban Pilipinas. Ang sarap maging Pilipino,” aniya.