Naloka ang mga netizen sa hirit ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda sa, "Rampanalo" segment ng noontime show na "It's Showtime" noong Biyernes, Hunyo 23, na binigyang-kahulugan ng mga netizen bilang "shade" sa TV5.
Sa nabanggit na segment, pinapili ang kalahok kung anong numero ang gusto niya mula sa sampung numero na hawak ng hosts.
Tinanong din nina Vice at co-host na si Tyang Amy Perez ang madlang people kung anong numero ang gusto nila.
Napansin ni Amy, "Parang lahat number 5.”
Sabad naman ni Vice, “Dahil magkakaiba, ako na ang pipili. Seven ang number natin.”
Nang mabunot na ang numero 7, kailangan pang bumunot ng isa para may kapareha ito.
"Sino kaya ang magiging kapartner niya, Meme (Vice)?" untag ni Tyang Amy.
Tugon ni Vice, “Ang magandang ka-partner ng 7 ay number 2.”
https://twitter.com/AltStarMagic/status/1672436163930652672?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1672436163930652672%7Ctwgr%5E04cc12f393606f1b2c40fa8c1607e4a8832e7939%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.pep.ph%2Fguide%2Ftv%2Fvice-ganda-tv5-a718-20230624
Naging mabilis naman ang mga netizen at ibinahagi sa Twitter ang naging hirit ng TV host-comedian.
Sey ng mga netizen, mukhang pasaring ito ni Vice sa TV5, dahil sa mga nangyari sa noontime slot na napunta na sa TVJ.
Dahil dito, may bagong "tahanan" ang It's Showtime. Simula sa Hulyo 1, mapapanood na rin ito sa GTV, ang sister channel ng GMA Network.
Sa panayam ng 24 Oras kay Vice, nilinaw niyang wala siyang anumang sama ng loob sa TVJ, subalit hindi nila maiwasang makaramdam ng lungkot matapos nilang lisanin ang TV5 na naging tahanan din ng IS sa loob ng ilang buwan.
Bagama't wala na sa TV5 ang Showtime, mapapanood pa rin dito ang ilang mga programa ng ABS-CBN gaya ng "Magandang Buhay" at mga serye sa Primetime Bida. Tuwing linggo naman, mapapanood dito ang "ASAP Natin 'To," ang longest-running musical variety show ng Kapamilya Network.