Naging usap-usapan ng mga netizen ang tweets ni Maine Mendoza hinggil sa kaniyang naranasan nang magtungo sila ng jowang si actor-politician Arjo Atayde sa concert ni Bruno Mars nitong Sabado ng gabi, Hunyo 24, sa Philippine Area na matatagpuan sa Bulacan.

Batay sa tweet ni Maine, tila "nawindang" ang actress, TV host, at endorser sa hassle na naranasan nila sa entry and exit sa nabanggit na arena, na itinuturing ngayong pinakamalaki sa buong bansa.

Humingi pa ng paumanhin si Maine dahil baka ganito rin daw ang naranasan ng mga tao noong nanood sila ng "Tamang Panahon" sa PH Arena.

Ang nabanggit na event ay espesyal na araw sa "AlDub" dahil ito ang araw na nagkaharap, nagkahawakan, at nagkausap na sila ni Alden Richards. Dito na rin tuluyang narinig ang boses ni "Yaya Dub."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Went to see Bruno Mars in Philippine Arena and made it to the finale. Happy pa din kasi umabot sa last two songs. Napaka hassle lang talaga ng entry and exit! Has it always been like this? Kumusta ang previous concerts dito? And Tamang Panahon?! Shocks sorry kung ganito din ka-hassle," ani Maine.

https://twitter.com/mainedcm/status/1672614042899185664

Bagama't last two songs na lang ang naabutan nila ni Arjo, happy na rin siya.

"Happy na din ako to see this! Sending my best wishes to everyone attending next year! Pass na muna siguro ako. Arrive early then suffer after the show, ganun. Yikes," aniya.

https://twitter.com/mainedcm/status/1672632934829019138

Sa comment section, marami naman ang nagpatunay na ganoon daw talaga ang hassle sa arena. Narito ang ilan:

"Aww been there during last concert ng BP, 7pm ang start tapos 8am nasa parking na kami para pumunta ng PH Arena. Kailangan namin mag-adjust at maglakad kasi malayo talaga ang parkingan ng mga bus. 10pm nakasakay na kaming lahat, tapos 2am na kami naka labas sa mismong NLEX, kaya mas maganda na agahan talaga ang punta."

"In terms of organising the concert, the Philippines is one of the worst. Maybe that could be the reason why Taylor doesn't have a concert there on her concert lists. I’m not a Taylor fan nor a hollyweird celebrities fan. Nagsasabi lang ako sa totoo."

"Boils down to the organizer. I’ve attended a number of live events myself and Livenation is by far the worst. Handful of awful staff, poor systems, lack of preparation. Doesnt help that PH Arena is such a bad venue lol."

"Hassle talaga. Ito yung concert na 6pm ang start. Pero 6am ang call time. Last BeTheSun, 1st concert yun after pandemic."