Pinasalamatan ni Quezon City Mayor Joy Belmento ang lahat ng mga lumahok sa Pride PH Festival 2023 na naglalayon umanong isulong ang “pantay-pantay na karapatan at pagtrato para sa bawat mamamayan.”

Sa isang Twitter post nitong Linggo, Hunyo 25, ibinahagi ni Belmonte na nasa 110,752 indibidwal ang sumama sa #LoveLaban bilang pagdiriwang ng Pride Month.

“Nakakataba po ng puso ang inyong mainit at naguumapaw na suporta,” pahayag ni Belmonte.

“Makakaasa po kayo na tuloy ang ating laban hanggang makamit ang ating ipinaglalaban."

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang nasabing pagdiriwang ngayong taon ang ikalawa umanong Pride PH Festival na idinaos sa Quezon City.

Nakiisa naman si Senadora Risa Hontiveros sa pagdiriwang ng Pride PH Festival 2023 nitong Sabado, Hunyo 24.

MAKI-BALITA: ‘Happy pride!’ Hontiveros, nakiisa sa Pride PH Festival

Dumalo rin ang iba pang personalidad tulad ni Kapuso actress Gabbi Garcia sa Pride Ride nitong Linggo.

MAKI-BALITA: ‘Proud allies!’ Gabbi Garcia, flinex kaniyang daddy na kasamang lumahok sa Pride Ride

“Kita-kits muli sa susunod na taon! Happy Pride, beshies ,” saad pa ni Belmonte.

Matatandaang inilunsad din sa Quezon City nitong Sabado ang pinakaunang Right to Care Card sa bansa na naglalayon umanong magbigay ng pahintulot sa LGBTQ+ partners na magdesisyon sa larangan ng kalusugan at medikal para sa kanilang mga kasintahan.

MAKI-BALITA: Pinakaunang ‘Right to Care Card’ sa bansa, inilunsad sa QC