Makararanas ng 13 oras na water supply interruptions ang ilang lugar sa Metro Manila at Cavite mula Hunyo 28 hanggang Agosto 8, 2023.

Paliwanag ng Maynilad Water Services, Inc., papalitan nila ang ultrafiltration (UF) membranes sa Putatan Water Treatment Plant ngayong linggo.

Sa abiso ng water concessionaire, magdudulot ng daily water service interruptions ang pagpapalit ng paunang tatlo sa 14 UF membranes, simula 5:00 ng hapon hanggang 6:00 ng umaga sa loob ng nasabing panahon.

“This replacement will be done in batches, to minimize the impact on customers of the resulting lower production,” anang Maynilad.

Metro

Sa dami ng nagkakasakit: ER sa ilang ospital sa QC, puno na sa pasyente

“After this initial batch of three membranes is removed and changed with new ones, we will provide an update on the next schedule of service interruption for when the remaining 11 membranes will be replaced,” pahabol ng kumpanya.

Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ang Las Piñas City, Bacoor City at Imus City sa Cavite.

Kabilang sa sinasaklawan ng serbisyo ng Maynilad sa west zone ang Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon at Valenzuela. 

Kabilang din sa sinusuplayan nito ang Bacoor, Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta, at Rosario.