Hindi pa rin napapanalunan ang mahigit sa ₱325 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang nakahula sa winning combination na 21-40-54-29-06-32 kung saan nakalaan ang premyong ₱325,862,813.20.
Hindi rin napanalunan ang ₱15,840,000 jackpot sa 6/49 Super Lotto draw nitong Hunyo 25 ng gabi.
Ang winning combination nito ay 04-48-49-31-43-28, ayon pa sa PCSO.
Binobola ang 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
Tuwing Martes, Huwebes at Linggo naman ang draw ng Super Lotto.