May sagot ang Kapuso comedienne na si Pokwang sa mga nagtataas ng kilay kung bakit siya ang itinalagang " Mrs. Universe Philippines Queen Celebrity Icon Ambassadress 2023" kamakailan lamang.

Ibinahagi ni Pokwang kamakailan ang video ng kuwela niyang pagrampa at paggawad sa kaniya ng sash.

"Thank you #MrsUniverseMostExceptionalWoman2023 thank you po @daddie_wowie @charo.laude for the recognition. Isa pong karangalan," caption ni Pokwang sa kaniyang Instagram post.

Isinagawa ang koronasyon noong Hunyo 18 ng gabi sa Rizal Park Hotel.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ipinaliwanag ng Mrs. Universe Philippines na kuwalipikado pa rin si Pokwang sa titulo kahit hindi siya kasal at solo parent.

Bukod kay Mamang Pokie, kinoronahan din sina Andrea del Rosario bilang Mrs. Universe Philippines Tourism 2023 at si Jean Saburit naman ay Mrs. Universe Philippines Classic 2023.

Adbokasiyang isusulong ng komedyante-TV host ang kapakanan ng mga kagaya niyang single parent.

Kaya bilang sagot ni Pokie sa mga kumukuwestyon sa kaniya, kinuha niya ang linyahan mula sa pelikulang "Sister Stella L" na pinagbidahan ni Star For All Seasons Vilma Santos-Recto.

"Sa mga nag que Question bakit daw ako? Kung di ako sino? Kung di ngayon kailan? Katarungan para kay ka Dencio!!!"

"Mrs Universe Philippines Queen Celebrity Icon Ambassadress 2023," ani Pokwang habang suot-suot ang koronang rumampa sa labas ng GMA Network Studios sa saliw ng "Things of Beauty" ng Danger Twins, na makikita sa kaniyang Instagram post.

Nagkomento naman dito ang premyadong Kapamilya actor na si John Arcilla.

"Tumbling ako sa caption Powk! Taena, walang kayang lumampas sa 'yo! Panalo! GRRRRRRROOOWL! Labyu!" aniya.

MAKI-BALITA: Pokwang, itinalagang ‘Queen Celebrity Icon Ambassadress’ ng Mrs. Universe Philippines