Inimbitahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si United Arab Emirates (UAE) President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan na bumisita sa Pilipinas, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Hunyo 23.

Sa ulat ng PCO, sinabi ni Marcos kay Sheikh Mohamed sa pamamagitan ng telephone call na palagi itong “welcome” sa pagbisita sa bansa.

Pinasamatan din umano ng Pangulo ang UAE leader matapos pagbigyan ang kaniyang kahilingang na bigyan ng pardon ang tatlong Pinoy.

MAKI-BALITA: PBBM, pinasalamatan UAE leader sa paggawad ng pardon sa 3 Pinoy

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inulit naman umano ni Sheikh Mohamed ang kaniyang imbitasyon kay Marcos na dumalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa darating na Disyembre. 

Unang ipinaabot ang imbitasyon kay Marcos ni UAE Ambassador Mohamed sa kaniyang courtesy call sa Malacañang noong nakaraang linggo.