Nagsagawa ang Office of the Vice President (OVP) ng limang araw na relief mission para sa mga apektado ng phreatic eruption ng Bulkang Mayon.

Sa isang Facebook post nitong Biyernes, Hunyo 23, ibinahagi ng OVP na nagsimula ang naturang relief mission, sa pamamagitan ng Disaster Operations Center (DOC) nito, noong Hunyo 20.

Nasa 5,390 mga pamilya o 18,661 mga residente sa mga lugar naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan umano ang natulungan ng OVP-DOC.

“Kasama ng OVP Bicol Satellite Office, namigay tayo ng tulong sa mga apektadong residente mula sa 25 barangay sa pitong lungsod at munisipalidad sa lalawigan ng Albay,” anang OVP.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Namahagi tayo ng mga relief bags na naglalaman ng mga sleeping mats, blankets, mosquito nets, alcohol, face masks at iba pang sanitary items,” dagdag nito.

Mula nang itaas ang alert status noong Hunyo 8, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon. Naging dahilan ito ng paglikas ng mga residente sa kalapit na lugar.