Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa mapusong birthday message ng mga naulilang anak ng pumanaw na "La Primera Contravida" na si Cherie Gil, na isinilang noong Hunyo 21, 1963.
Sa kani-kanilang Instagram posts ay magkahiwalay na binati nina Bianca at Raph Rogoff ang ina sa kaarawan nito, na sana ay 60-anyos na.
Ibinahagi ni Bianca ang ilang video clips ni Cherie noong mga maliliit pa sila.
"Listen in bio if you wish. Happy birthday mom," mababasa sa IG post ni Bianca na kinomentuhan naman ni Raph.
"Greatest video ever (heart emoji) plus your vocals," komento ng kapatid.
Ngunit mas mahaba at makabagbag-damdamin ang naging mensahe ni Raph sa kaniyang IG post.
"You’d be 60 today so I’m missing you a little more than usual. We should be dancing in the park and feeling the grass between our toes. Or celebrating over dinner and drinks, wondering, 'where does the time go?' You moved on 321 days ago, with 1440 minutes in a day and you brushing my mind at least ten times, I’ve thought about you 46,224 times or something like that… not particularly keeping track."
"Even though I thought you’d be around till I’d help you put in dentures, you lived a life full of adventure. Full to the brim. For a while life has felt grim, but I think of you and you give my frown a spin. We were always laughing. We still are. I carry you with me always, near or far, in my heart."
"Thank you for teaching me how to live, Momma! Happiest of birthdays. I’m sure it’s a party wherever you are right now; cause you always knew how to dance to the music of life. I’m still learning from you."
Kung si Bianca ay naglakip ng video clips, si Raph naman ay throwback photos nilang mag-iina.
Reaksiyon naman dito ni Bianca, "These photos of us are next level. Best pic ever taken featured you know the one!!!"
Naiwan ni Cherie ang kaniyang mga anak na sina Raph at Bianca nang sumakabilang-buhay siya noong Agosto 5, 2022 dahil sa isang "rare" condition na "endometrial cancer."
MAKI-BALITA: Showbiz veteran Cherie Gil, pumanaw na
Pinili umano ni Cherie na hindi ipaalam sa publiko ang kaniyang kondisyon, at tahimik na nag-migrate sa US noong Pebrero 2022, upang gawing prayoridad ang kaniyang "mental, emotional, at spiritual states."
Nagulat din ang lahat nang bigla siyang itampok sa isang lifestyle magazine kung saan kalbo na ang kaniyang buhok. Aniya, ito raw ay simbolo ng kaniyang pagbabagong-buhay.
MAKI-BALITA: Cherie Gil, nanggulat sa ‘rebirth’ look; sumailalim umano sa therapy, counseling
Sa mga kasamahan sa showbiz, ang nakasama niya sa pelikulang "Bituing Walang Ningning" na si Megastar Sharon Cuneta ang nakabisita siya sa New York bago siya tuluyang malagutan ng hininga.
MAKI-BALITA: Sharon Cuneta, patuloy na nagdadalamhati sa pagpanaw ni Cherie Gil
Nakilala si Cherie bilang isa sa mga mahuhusay at premyadong kontrabida sa bansa. Hindi na mabilang ang mga pelikula at teleseryeng kinabilangan niya, subalit hanggang ngayon, hindi pa rin makalimutan ng mga tao ang iconic lines niyang 'You're nothing but a second rate, trying hard, copy cat!' habang ka-eksena si Shawie.