"Like mother, like daughter" ang peg ng mag-ina sa Sto. Tomas, Davao Del Norte matapos silang sabay na magmartsa sa entablado upang tanggapin ang simbolo ng kanilang diploma, sa commencement exercises na idinaos sa kanilang paaralan kamakailan.

Parehong nagtapos ng kursong Technical-Vocational Teacher Education sa Sto. Tomas College of Agriculture, Sciences and Technology sina Airesh Labiste Luna, 47-anyos, at anak niyang si Arianne Kaye, 22-anyos.

Airesh Labiste Luna at Arianne Kaye Labiste (Larawan mula sa FB ni Arianne Kaye Labiste)

Makikita sa Facebook post ni Arianne ang pagiging proud sa achievements nilang mag-ina.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Ug nahuman gyud nato mama, may gani wala ka seg absent!!! Salamat kaayo sa tanan ma, mahal kaayo tika."

"May this post inspire people who put their dreams on hold and dili na muskwela kay tungod sa 'edad', it’s never too late to rewrite your story."

"My mother waited 20 years for this to happen. Embrace your unique journey and let it fuel your motivation."

"The Mother & Daughter of Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education finally graduated! Thank you STCAST! To God be all the Glory!," ani Arianne sa kaniyang FB post, kalakip ang mga litrato nilang mag-ina.

Airesh Labiste Luna at Arianne Kaye Labiste (Larawan mula sa FB ni Arianne Kaye Labiste)

Aminadong si Airesh ang pinakamatanda sa kanilang klase kaya "momsh" ang tawag sa kaniya ng lahat.

Balak daw ni Momsh Airesh na kumuha ng master’s degree, habang maghahanda naman sa board exam si Arianne.

Kamakailan lamang, isang mag-ama naman mula sa Sta. Maria, Bulacan ang sabay na nagtapos ng pag-aaral naman sa Senior High School.

Congrats sa inyong mag-ina!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!