Nagmartsa ang libu-libong miyembro ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, at asexual) bilang bahagi ng Pride Month celebration nitong Sabado, Hunyo 24, sa Quezon City.

Bago ang Pride Month march, nagtipun-tipon muna ang mga nakilahok sa pagdiriwang sa QC Memorial Circle para sa "Love Laban" program na binuo ng city government at Pride Ph.

Dumalo sa programa si Mayor Joy Belmonte at iba pang opisyal ng lungsod bilang pakikiisa sa nasabing pagdiriwang.

Ayon naman sa Pride Ph, tampok sa buong araw na pagdiriwang ang Pride Expo, Pride March at Pride Night.
National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'