Inalmahan ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes ang isang ulat patungkol sa abogado ng Jalosjos family na may-ari ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE, Inc.), na mula umano sa Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila Law Offices.

Makikita sa Facebook post ni Gozon-Valdes na kinomentuhan niya ang mismong lumabas na artikulo mula sa online news outlet at saka ito kinomentuhang "fake news."

Nilinaw ng GMA Senior VP na hindi nirerepresent ng Belo Gozon law firm ang law firm ng mga Jalosjos/TAPE. Binanggit din ng GMA executive na nilinaw na niya ang tungkol sa isyung hindi raw pumagitna ang GMA Network sa isyu ng TAPE at TVJ.

"FAKE NEWS. Ano ba 'yan Bilyonaryo? Ok lang if you write your journalistic opinions on current issues, I would still respect that as part of freedom of speech. But when you include details that are FACTUALLY UNTRUE, parang may bad faith na 'yon eh. To correct this article Belo Gozon law firm is NOT the law firm of Jalosjos/Tape."

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"GMA has already said our piece on the TAPE/TVJ issue and we stand by it," aniya.

Sa isa pang Facebook post, sinabi ni Gozon-Valdes na nais niyang makausap ang TAPE staff na binanggit sa artikulo.

"Atty. Ike Belo (of BGEPAL law firm) passed away in 2004. He is the late father of Dra. Vicky Belo. I would like to speak to the TAPE staff that was allegedly approached by a representative of 'Atty Belo' to get to the bottom of these false reports. Apparently, hindi magaling mag-investigate itong TAPE staff nila."

Nagkomento naman dito si GMA headwriter Suzette Doctolero.

"Weird na careless madalas ang research (kung mayroon man) ng mga inilalabas nilang article... to think na hindi pucho pucho ang mga nagpapatakbo ng Bilyonaryo. Beteranong journos ang nasa likod n'yan... pero pagdating sa Gma7-tape-tvj issues (at laging may tira kay FLG) madalas ay tsismis ang article nila kesa totoo. Either tamad na ba sila? O sinasadya?"

Suzette Doctolero (Screengrab mula sa FB post ni GMA SVP Anette Gozon-Valdes)

Samantala, ibinahagi naman ni Annette sa comment section ang isang ulat ng Manila Bulletin tungkol sa bagong abogado ng mga Jalosjos at TAPE. Siya ay si celebrity lawyer Maggie Abraham-Garduque.

Sa panayam ng MB, kinumpirma niyang hindi siya humalili sa sinasabing "Atty. Belo" gaya ng lumabas sa ulat.

MAKI-BALITA: Annette Gozon-Valdes, bet pa ring makatrabaho ang TVJ, iba pang EB hosts sa GMA

MAKI-BALITA: GMA, kanino pumapanig sa TVJ-TAPE saga? Annette Gozon-Valdes, nagsalita