Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Batangas nitong Sabado ng madaling araw, Hunyo 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:11 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 17 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Calatagan, Batangas, na may lalim na 80 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Intensity II - City of Tagaytay, CAVITE; Puerto Galera at City of Calapan, ORIENTAL MINDORO

Intensity I - Bauan, Batangas City, at Lemery, BATANGAS; Magallanes, CAVITE; Magsaysay at Abra De Ilog, OCCIDENTAL MINDORO

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.