Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nitong Biyernes sa mahigit kalahating milyong Pinoy seaman na makaaasa sila sa tulong ng Kongreso at sa suporta ni Pangulong President Ferdinand Marcos, Jr. na pangalagaan ang kanilang karapatan at mga karapatan.

“Under President Marcos' leadership, we are committed to fostering an enabling environment that promotes the welfare of seafarers, supports the growth of the maritime industry, and advances sustainable practices,” ani Romualdez nang siya ay maging guest of honor sa International Transport Workers’ Federation (ITF) Seafarers’ Expo sa CCP Complex sa Pasay City nitong Biyernes.

Dumalo sa pagtitipon sina Department of Migrant Worker (DMW) Secretary Susan Ople at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza.

Sinabi ni Romualdez na ang mga seaman ay bumubuhay sa maritime industry dahil sa kontribusyon sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Noong 2022, tinatayang 489,852 Pinoy seaman ang naka-deploy sa iba't ibang bansa, katumbas ng 25 porsyento ng mga marino sa buong mundo.