Nagpahayag ng kagalakan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakuha niyang high approval ratings, at sinabing sumasalamin ito na sinusuportahan ng mga Pilipino ang pagsisikap ng pamahalaan para mapabuti ang ekonomiya ng bansa.

Sa inilabas na PUBLiCUS Asia survey, nakakuha umano si Marcos ng 62% approval rating sa ikalawang quarter ng taon. Tumaas ito mula sa 60% na approval rating umano niya noong unang quarter ng taon.

"I am glad. Alam n’yo, hindi natin makakalimutan na ang talagang sigaw namin kahit noong kampanya pa ay pagkakaisa. Siguro itong ganitong klaseng mga resulta na nangyayari ay dahil nagkakaisa tayo. Nagkakaunawaan tayo,” saad ni Marcos nitong Huwebes, Hunyo 22.

“Kaya’t for example, sinasabi na tama ang direksyon na tinutunguhan ng ekonomiya, na tinutunguhan ng Pilipinas. Ibig sabihin, sabay-sabay tayong tutulong. And that’s what we’re really talking about,” dagdag niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Iniulat din ng PUBLiCUS Asia nitong Huwebes na mayorya sa mga Pilipino ang patuloy na may positibong pananaw sa estado at ekonomiya ng Pilipinas.

MAKI-BALITA: Mayorya ng mga Pinoy, nananatiling positibo ang pagtingin sa ekonomiya ng ‘Pinas – survey

Nagpasalamat naman si Marcos sa mga patuloy umanong nagtitiwala sa kaniya at sa kaniyang administrasyon, at sinigurong hindi titigil ang pamahalaan para mapabuti umano ang ekonomiya ng Pilipinas.