Higit na dodoble sa 1.3 bilyon ang bilang ng mga taong dadanas ng diabetes sa buong mundo pagsapit ng taong 2050, ayon sa isang inilabas na pananaliksik nitong Biyernes, Hunyo 23.

Sa ulat ng Agence France-Presse, nakita umano sa pinakakomprehensibong pagsusuri ng global data na pagdating sa 2050, magkakaroon ang bawat bansa ng pagtaas ng bilang ng mga pasyente na may chronic disease.

Tinatayang 529 milyong indibidwal na umano ang nabubuhay na may diabetes, isa sa mga nangungunang 10 sanhi ng kapansanan at pagkasawi.

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Lancet journal, aabot pa ang naturang bilang -- 95% nito ay mga kaso ng type 2 diabetes -- sa 1.3 bilyon sa mas mababa sa tatlong dekada.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Nauugnay umano sa higit sa kalahati ng mga pagkamatay at kapansanan mula sa diabetes ang mataas na body mass index, isang indikasyon na ang mga tao ay maaaring sobra sa timbang.

Kasama naman sa iba pang mga kadahilanan ang diyeta ng mga tao, pag-ehersisyo, paninigarilyo at alkohol.

Sinabi naman ni Liane Ong, lead research scientist sa Institute for Health Metrics and Evaluation (IHME) at unang may-akda ng isa sa mga pag-aaral, na ang isang kadahilanan ng diabetes ay kung paano nagbabago ang pag-diyeta ng mga tao.

"Over the course of 30 years, different countries have really migrated from traditional food habits -- maybe eating more fruits and vegetables, eating healthier greens -- to more highly processed foods," aniya sa AFP.

Sinisi naman ng co-author ng pag-aaral na si Leonard Egede, mula sa Medical College of Wisconsin, ang tinawag niyang isang "cascade of widening diabetes inequity".

"Racist policies such as residential segregation affect where people live, their access to sufficient and healthy food and health care services," aniya sa isang pahayag na inulat ng AFP.