“LIVING FOSSIL PLANT BLOOMS ANEW🪷”

Nagbahagi ang Masungi Georeserve ng mga larawan ng 𝘊𝘺𝘤𝘢𝘴 𝘳𝘪𝘶𝘮𝘪𝘯𝘪𝘢𝘯𝘢 o Pitogo na muli umanong namukadkad makalipas ng tatlong taon.

“After about three years, the cone of the 𝘊𝘺𝘤𝘢𝘴 𝘳𝘪𝘶𝘮𝘪𝘯𝘪𝘢𝘯𝘢 on the Discovery Trail has once again emerged from its trunk,” anang Masungi sa kanilang social media post nitong Huwebes, Hunyo 22, kasabay ng paggunita ng ‘World Rainforest Day’.

“Referred to as a “Living Fossil or “Jurassic Plant”, this unique flora species comes from a prehistoric lineage of plants that appeared 350 million years ago—outliving dinosaurs,” dagdag nito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pitogo ay endemic sa Pilipinas, ayon sa Masungi. Isa itong mabagal na lumalagong halaman na nabubuhay sa mga tropikal na rainforest. 

Sa halip na bulaklak o prutas, cones umano ang nilalabas ng Pitogo.

Ayon naman sa mga eksperto, para matantya ang edad ng mga Pitogo, kailangang bilangin ang mga layer sa kanilang trunk at saka i-mu-multiply sa bilang ng mga taon kung kailan huling namumulaklak ang kanilang cones. 

Dahil dito, saad ng Masungi, ang Pitogo na natagpuan sa Discovery Trail ay tinatayang hindi bababa sa 75 taong gulang.

Samantala, sa kasamaang palad, kasalukuyan umano itong nakalista bilang Endangered sa IUCN Red List, kasama dahil sa populasyon nito.

“Poaching and habitat destruction are the leading causes of the Pitogo’s population decline,” saad ng Masungi.

“Apart from the ancient limestone formations in Masungi, its native biodiversity also highlights the area’s significance that date back to a bygone time. Preserving and protecting this geological heritage is critical to unraveling mysteries of the past,” dagdag nito kasama ang hashtag na #SaveMasungi.