Gov't, namahagi ng food packs sa 250 mangingisda sa Tawi-Tawi
(PCG/FB)
Gov't, namahagi ng food packs sa 250 mangingisda sa Tawi-Tawi
Nasa 250 mangingisdang residente ng Mapun, Tawi-Tawi ang nakatanggap ng family food packs mula sa Ministry of Social Services and Development ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa social media post ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Northern Tawi-Tawi nitong Biyernes, kabilang ang kanilang grupo sa tumulong sa pamamahagi ng FFP sa mga mangingisdang nakatira sa coastal area ng Brgy. Liyubud, Brgy. Umus at Brgy. Iruk Iruk, Mapun.
Ang bawat food pack ay naglalaman ng 10 kilo ng bigas at mga de-lata.
Nakibahahgi rin sa food pack distribution ang Philippine Air Force Tactical Operation Squadron, Mapun Maritime Special Boat Crew, 312th Marine Company Marine Battalion Landing Team-12, at Mapun Municipal Police Station.