Nanguna ang Ateneo de Manila University sa mga unibersidad sa Pilipinas na nakapasok sa listahan ng Times Higher Education (THE) Asia Rankings 2023 na inilabas nitong Huwebes, Hunyo 22.
Sa tala ng THE, nakakuha ng 47.4 overall score at naging top 84 sa rankings ang Ateneo matapos suriin ang mga unibersidad sa kanilang performance indicators tulad ng teaching, research, citations, industry income, at international outlook.
Mula sa performance indicators, nakatanggap umano ang Ateneo ng 38.3 score para sa teaching, 11.6 score para sa research, 97 score sa citations, 37.6 score sa industry income, at 31.8 score para sa nternational outlook.
Samantala, napasama rin sa THE Asia Rankings 2023 ang University of the Philippines (UP) para sa 201-250 bracket, De La Salle University para sa 501-600 bracket, at Mapua University para sa 601+ bracket.
Gumamit naman umano ang Times Higher Education Asia University Rankings 2023 ng parehong 13 performance indicators, na katulad ng ginamit sa THE World University Rankings, ngunit ang mga ito ay muling na-calibrate upang ipakita ang mga katangian ng mga institusyon sa Asya.
Matatandaang nanguna rin Ateneo de Manila University sa mga unibersidad sa Pilipinas na nakapasok sa listahan ng 2023 Times Higher Education (THE) Impact Rankings na inilabas naman noong Hunyo 1.
MAKI-BALITA: Ateneo, muling nanguna sa PH universities na pasok sa Times Higher Education world rankings