Kahit nag-uwian na ang mga lumikas na residente, aayudahan pa rin sila ng pamahalaan sa gitna ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
"All benefits will be given to them. Lahat ng tulong na ibinibigay sa isang evacuee sa loob ng evacuation center will be given to them. All will still be receiving the same kind of assistance -- food packs, vegetable ration, free medical care, livelihood and training programs coming from both the local and national governments that evacuees are entitled to receive. The evacuation centers were unclogged and at the same time, we were still helping them," pahayag ni Albay Governor Edcel Lagman. Nauna nang naiulat na nakauwi na sa kanilang lugar ang 1,207 indibidwal na taga-Sto. Domingo matapos lisanin ang mga evacuation center kasunod ng abiso ni Mayor Joseling Aguas nitong Miyerkules.
2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!
Ang mga nasabing pamilya ay residente ng Barangay Lidong, Fidel Surtida, Sta. Misericordia at San Fernando na saklaw pa rin ng 07-kilometer (km) extended danger zone (EDZ) mula sa bulkan.
Paliwanag ng alkalde, ang mga residente na ang magdedesisyon kung mananatili sila sa mga evacuation center o iba pang mas ligtas na lugar dahil sa pangambang magkaroon ng pagsabog.
Aniya, dapat na magpaalam muna ang mga ito sa mga barangay official kaugnay ng kanilang desisyon.
Nitong Hunyo 8, inirekomenda ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa provincial government ng Albay na magsagawa na ng evacuation sa mga residenteng sakop ng 6-kilometer radius PDZ ng bulkan dahil sa nakaambang pagsabog nito.
Sa huling datos ng Phivolcs, umabot na sa 339 rockfall events ang naitala nito sa bulkan sa nakaraang 24 oras.
Philippine News Agency