Tinatayang 65% ng mga Pilipino sa bansa ang naniniwalang mapagkakatiwalaan ang mga kapatid na Muslim tulad ng ibang mga Pinoy, ayon sa Social Weather Station (SWS) nitong Biyernes, Hunyo 23.

Sa tala ng SWS, sa 65% mga Pilipinong sang-ayon na mapagkakatiwaan ang mga kapatid na Muslim, 28% dito ang lubos na sumasang-ayon, habang 37% ang medyo sumasang-ayon.

Samantala, 7% umano ang medyo hindi sumasang-ayon na mapagkakatiwalaan ang mga kapatid na Muslim gaya ng ibang Pinoy, at 5% ang lubos na hindi sumasang-ayon.

Nasa 22% naman, ayon sa SWS, ang hindi nagbigay ng saloobing hinggil sa usapin.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Dahil dito, nagkaroon umano ng net score +52, mas mataas sa +3 net score noong Setyembre 2016.

Isinagawa umano ang nasabing survey mula Marso 26 hanggang Marso 29 sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.