BUTUAN CITY - Inaresto ng pulisya ang apat na dating opisyal ng Department of Agriculture (DA)-Caraga dahil umano sa pagkakasangkot sa 2004 fertilizer fund scam. Kabilang sa mga dinakip sina Edgardo Dahino, 67, dating DA-Caraga (DA-13) assistant regional director; Jessica, dating budget officer; at Gerry Leop, 54, dating regional accountant, ayon sa Police Regional Office (PRO) Caraga Region (PRO-13).
Basta ma-expel din mga sangkot? Rep. Barzaga, tanggap expulsion sa isang kondisyon
“We are tasked to enforce the law in a manner that treats all individuals equally, regardless of their social status or positions,” paliwanag ni PRO-13 chief, Brig. Gen. Pablo Labra II.
Ang apat ay nasa likod umano ng Agricultural Reinforcement Project na pinasok ng munisipyo ng Del Carmen, Surigao del Norte, kasama ang Philippine Social Development Foundation Inc.
Magkakahiwalay na inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group-Agusan del Norte ang apat na akusado sa naturang lungsod.
Ang mga ito ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices) at Article 217 ng Revised Penal Code para sa kasong malversation.Inirekomenda rin ng korte ang ₱210,000 na piyansa bawat isa sa mga akusado.