3 gang leader sa NBP, guilty sa Percy Lapid case
(Manila Bulletin File Photo)
3 gang leader sa NBP, guilty sa Percy Lapid case
Dalawa hanggang walong taong pagkakakulong ang ipinataw ng Las Piñas City Regional Trial Court (RTC) sa tatlong gang leader sa New Bilibid Prison (NBP) matapos silang mag-plead ng guilty bilang accessory sa pamamaslang sa beteranong mamamahayag na si Percival "Percy Lapid" Mabasa noong 2022.
Binanggit ng mamamahayag na si Roy Mabasa, kapatid ni Lapid, nitong Biyernes, Hunyo 23, hinatulan ni Las Piñas City RTC Branch 254 Presiding Judge Harold Cesar Hulinganga ang mga lider ng gang na sina Aldrin Galicia, Alvin Labra, at Alfie Peñaredonda dahil sa pagiging accessories sa pagpatay kay Lapid.
Kinumpirma ni Mabasa na umamin ang mga suspek sa mga paratang laban sa kanila.
Sinabi rin ni Mabasa na inihayag mismo ng huwes ang naging sintensya ng tatlong akusado.
“This is a very welcome development. They are not only doing this for the case but for themselves as well. It is a mitigating circumstance to plead guilty which will lessen their sentence for this crime,” pahayag naman ni DOJ Assistant Secretary Jose Dominic Clavano IV.