Napatay ang dalawang miyembro ng New People's Army (NPA) matapos makasagupa ng grupo nito ang mga sundalo sa Guinobatan, Albay nitong Huwebes.

Isa sa dalawang nasawi ay nakilalang si Santos Seminiano, alyas Santi. Ang ikalawang napatay ay nakilala lamang sa alyas "Ilay" at "Elian."

Sa report ng Philippine Army (PA), ang sagupaan ay naganap sa Barangay Bololo, Guinobatan nitong Miyerkules.

Sa panayam kay 9th Infantry Division (9ID) Public Affairs Office chief, Maj. Frank Roldan, sinabi nito na tinatayang aabot sa 12 na rebelde ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

"Troops were sent to the specified area to conduct a security patrol after receiving information from worried citizens about the purported presence of armed individuals. After a brief firefight, the rebels fled in different directions, leaving two of their slain comrades," anang opisyal.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang M16 assault rifle, isang M635 rifle, dalawang anti-personnel mine, at limang backpack na pag-aari ng mga rebelde.

Philippine News Agency